Friday, January 30, 2009

.............................

TARA!!!

samahan mo akong tawirin
ang makitid na eskinitang
ngayon ko lang dadaanan..

agapayan mo ako..
wag mo kong bibitawan..
aukong mawala ka sa aking tabi
habang ang lahat ay isa-isang
tumatakas sa liwanag.

kailangan kita!
upang kayanin ko ang
lakas ng hanging pumipigil
sa aking paghakbang!

wag kang mawawala..
sapagkat tanging ikaw lamang
at ang matamis mong
ngiti na walang anumang pumapawi
sa mga pag-aalala’t dalamhati
ang natitira kong buhay.

pakiusap,
manatili ka sa aking tabi..
dahil ikaw!!! ikaw ang lahat
para sa kagaya kong
saranggola sa ulan..

atin ang himpapawid ng eskinita
at ang hamog ng kalsada!
atin lang.
atin lamang!!!



SA PAGTILA NG ULAN

maghapon na naman akong inapi ng inip at paghihintay na makita ka.. kahit sandali lang.. kahit hindi mo ko tingnan man lang.. naging bespren ko ang sigarilyo na inaayawan mo.. tsk tsk..

masyadong madaming ala-ala ang palengke, ang madaming palabas at kanta.. ang mga pagkain! ang kalsadang madalas nateng tinatawid.. ang mga sasakyang kapatentero naten eh nakikisali pa sa mga ala-ala ng ikaw at ang ulan.. sobrang lungkot!!!

nagkamali ako!!!
sa madaming pagkakataon nagkamali ako.. at nagawa mo pa din na akuin ang kasalanan ko.. pinasan mo pa din ang bigat ng mga salita na sinabi ko.. naabuso kita! nasaktan!!!

sa paglayo mo saken madami akong natutunan.. madami akong aral na napulot.. madami akong gustong itama!!!

pero alam kong para saken eh huli na ang lahat.. tapos na ang kwento..?! me tuldok na ang huling pangungusap..?!
maging ganon pa man..

gusto kong malaman mo na ang pangarap ko ay ikaw pa din.. at ang pangarap sau ng mga taong nagmamahal sau ay ang pangarap ko din para sau..

mahal na mahal kita, kaya ibinigay ko ang kalayaan mo! habang buhay kitang mamahalin sa kabila ng milya na nateng pagitan.. hindi ako mapapagod umasa sa muling paglipad ng saranggola sa ulan.. ikaw ang ulan na dumidilig sa uhaw kong buhay at pangako!!!

babaunin ko ang lahat ng matatamis at masasayang ala-ala kasama ka.. kahit na siguro eh magagawa ko ‘yon pag natanggap ko na talaga na ang ulan ay tumila na..

gusto kong mag-aral ka ng mabuti.. wag tatamarin sa mga subjects na alam kong inaayawan mong madalas.. wag kang papaapekto sa mga prof na hindi maganda ang trato sau.. kick their assess sabi ko nga dati.. show them who you are and what you can do.. malapit na ang pagduduty mo.. dapat magdala ka ng extrang panyo parati.. maging mabuti ka sa kuya mo kahit na lagi ka nyang binubully.. mahalin mo ng sobra ang mami dahil sya lang ang higit kanino man ang magmamahal sa’yo dahil prinsesa ka para sa kanya.. ayokong iiyak ka pa ulet.. lalo pa ngayong wala na ko.. palagi kang mag-iingat at wag masyadong magtitiwala sa mga taong minsan na inaakala mong kaibigan.. wag kang papalipas ng gutom dahil ang payat payat mo na.. kumain ka palagi ng madami.. ok?!

pano?!
hindi na muna kita maipagluluto ng mga pagkain na gusto mo.. hindi na muna kita matutulungan sa mga projects, assignment at report mo sa school.. dahil ipilit ko man alam kong hindi ka papayag..



rajni..

“ANG MUNDO AY PAPANIG SA’YO BASTA MAGING MABUTING TAO KA LANG.. UNG MAS MABUTI PA KESA SA KUNG GANO KA KABUTI NGAYON..”


MAHAL NA MAHAL KITA!!!


-pendong-